• Tony Miñano Macalisang

1 babae at isang lalaki sa San Agustin, Romblon dinakip ng kapulisan sa kasong illegal gambling


SAN AGUSTIN, Romblon – Isang babae at isang lalaki ang inaresto ng kapulisan nitong umaga ng Oktubre 30, 2020 sa Barangay Binongaan, San Agustin, Romblon.


Nakilala ang mga hinuli na sina Marites Mortel Mago, 48 taong gulang, may-asawa, maybahay, at Randy Madraso Maquinto, 40 taong gulang, may-asawa, construction worker at kapwa residente ng Barangay Binongaan, San Agustin, Romblon.


Ang nasabing mga suspek ay dinakip ng mga tauhan ng San Agustin Municipal Police Station (SAMPS) sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Ma. Paz A. Besonaya, Acting Presiding Judge, 6th MCTC, San Agustin – Santa Maria, Romblon noong Oktubre 14, 2020 sa kasong paglabag sa PD 1602 as Amended by RA 9287 sa ilalim ng Criminal Case No. SA-8217 at may rekomendang piyansa ang korte na halagang Ten Thousand Pesos (P10,000.00) bawat isa.


Ang nasabing mga suspek ay isinailalim sa kustodiya ng San Agustin MPS at ihaharap sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.