• Tony Miñano Macalisang

1 Senior Citizen At Menor De Edad Nabangga Ng Humaharurot Na Motorsiklo Sa Odiongan


ODIONGAN, Romblon – Nagtamo ng mga sugat at galos sa katawan ang isang senior citizen na babae at menor de edad na lalaki ng mabangga ang mga ito ng motorsiklo na menamaneho ng isang lalaki na sugatan rin pati ang angkas nito na nangyari  noong 3:30 ng hapon ng Agosto 9, 2020 sa Barangay Libertad, Odiongan, Romblon.


Ang mga biktima ay kinilala na sina Mabe Sim Fabula, 64 taong gulang, may-asawa, housewife at John Leonard Fesarit Ballejos, 15 taong guang, estudyante at parehong residente ng Barangay Libertad, Odiongan, Romblon, samantalang ang suspek napag-alamang si Ryan Jay Ferreira Bello, drayber ng kulay puti na motorsiklong Suzuki Smash 110, 19 taong gulang, binata, survey aid, at ang angkas nito na si Junel Morada Maestre, 26 taong gulang, binata, at kapwa nakatira sa Sitio Canlumay, Barangay Tumingad, Odiongan, Romblon.


Sa isinagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS), napag-alaman na sa nasabing petsa, oras  at lugar ang mga biktima ay may ginagawa sa tabi ng kalsada habang ang suspek na sakay ng motorsiklo mula sa Barangay Tuburan at binabaybay ang kalsada sa Barangay Libertad papunta sa direksyon ng Barangay Tumingad, Odiongan, Romblon at pagdating sa tapat sa bahay ng pamilya Fopalan, dahil sa bilis ng patakbo ay nawalan ng kontrol ang suspek sa minamanehong motorsiklo at nahagip sina Fabula at Ballejos.


Dahil sa pangyayari, ang dalawang biktima at ang drayber kasama ang kanyang angkas ay tumilapon sa kalsada at nagtamo ng mga sugat at galos sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan. Agad naman dinala ang mga ito sa Romblon Provincial Hospital (RPH) para malapatan ang agarang lunas.

Samantala dinala naman ng kapulisan ang motorsiklo na sangkot sa aksidente sa himpilan ng Odiongan MPS para sa kaukulang disposisyon.


Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Physical Injuries. (Tony Miñano Macalisang/ Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.