• Romblon Sun

16 na taong pinaghahanap ng batas naaresto sa bayan ng Odiongan


ODIONGAN, Romblon - Inaresto ng kapulisan ang isang tricycle drayber na may warrant of arrest kahapon ng 10:30 ng umaga, Abril 26, 2021 sa Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon.


Kinilala ng ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS) ang wanted na si Mark Anthony Tagian Siban, 36, may-asawa, tricycle driver at nakatira sa Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon.


Ang nasabing suspek ay dinakip sa kanyang tinutuluyan ng pinagsanib na operatiba ng Odiongan MPS (Lead Unit), HPG-Romblon, CIDG-Romblon, PIB Romblon PPO at Quezon Municipal Police Station, Bukidnon sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Rolando S. Venadas, Judge of the Regional Trial Court, Branch 9, Malay Balay City, Bukidnon nitong Marso 1, 2005 dahil sa kasong Frustrated Murder sa ilalim ng Criminal Case No. 14927-05 at may rekomendang piyansa ang Korte na halagang Two Hundred Thousand Pesos (P200,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang naturang lalaking wanted ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Odiongan MPS para sa kaukulang dokumentasyon at nakatakdang ihaharap sa nakasasakop ng korte. (Romblon Sun Online)

ADVERTISE WITH US!.png