• Romblon Sun

2 lalaki sa San Agustin, Romblon timbog sa drug operation


SAN AGUSTIN, Romblon – Arestado ng kapulisan ang dalawang lalaki na sangkot sa ilegal na droga nitong 11:40 ng umaga ng Sabado, Marso 27, 2021 sa Pier ng San Agustin, Romblon.


Kinilala ang mga suspek na sina Edward Vincent Moreno Hilario, 52 taong gulang, may-asawa, technician, nakatala sa PDEA’s watch list, at Allan Caspe Moreno, 49, Porter, binata at kapwa residente ng Barangay Poblacion, San Agustin, Romblon.


Sa imbestigasyon ng San Agustin Municipal Police Station (SAMPS), isang pinagsanib na operation ang ikinasa ng mga operatiba ng Romblon PDEA 4B (lead unit), kasama ang mga tauhan ng PCG Station-San Agustin, PCG – K9 Unit at San Agustin MPS kung saan ay isinagawa ang “interdiction operation” at K-9 inspection sa daungan ng San Agustin na nagresulta sa pagkahuli sa suspek na si Allan C. Moreno na siyang kumuha ng parsela sa Sibuyan Forwarder na nakapangalan kay Ding Hilario na kinilala na si Edward Vincent Hilario na naglalaman ng isang heat sealed transparent sachet na may laman na pinaghihinalaang “shabu”. Hindi naglaon ay dumating naman ang isa pang suspek na si Hilario na positibong itinuro ni Moreno na siya umanong may-ari ng parsela na inutos sa kanya na kunin sa Sibuyan Forwarder.


Ang pag-imbentaryo at pagkuha ng mga litrato ng mga bagay para sa ibendensiya ay ginawa sa lugar ng operasyon, sa harap ng mga suspek na sinaksihan ng dalawang opisyal ng Barangay Poblacion, San Agustin, Romblon at ng kinatawan ng media.


Ang narekober na mga drug items ay ipapadala sa PDEA Crime Laboratory para sa kaukulang eksaminasyon.


Ang mga suspek ay isinailalim sa kustodiya ng San Agustin MPS para sa kaukulang imbestigasyon at inihahanda ang pagsampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o kilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”. laban sa mga suspek sa Prosecutor’s Office. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.