• Tony Miñano Macalisang

2 lalaking may Warrant of Arrest sa San Fernando, Romblon inaresto ng pulisya


SAN FERNANDO, Romblon – Dinakip ng kapulisan ang dalawang lalaki na may warrant of arrest dakong alas 2:00 ng hapon kanina, Enero 12, 2021 sa Barangay Otod, San Fernando, Romblon.


Kinilala ng pulisya ang dinakip na sina Jessie Relox Rivera, 34 taong gulang, magsasaka, binata at Maniato Relox Rivera, 45 taong gulang, may-asawa, mangingisda at parehong residente ng Barangay Otod, San Fernando, Romblon.


Ang dalawa ay hinuli ng pinagsanib na operatiba ng PIU sa pangunguna ni PSSg Charmel Blanco sa ilalim ng superbisyon ni PLT Col Allan R. Rutor at ng San Fernando Municipal Police Station (SFMPS) sa pamumuno ni PLT Mark Anthony Encarnacion, OIC, sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Donna Borda Pascual ng Regional Trial Court, Branch 82, Romblon, Romblon noong Enero 1, 2021 dahil sa paglabag sa Section 92 ng RA 8550 (the Philippine Fisheries Code of 1998) as amended by RA 10654, docketed under Criminal Case number 4027 at may rekomendang piyansa na P12,000.00 para sa kanilang pansamantalang kalayaan.


Ang inarestong mga suspek ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng San Fernando MPS para sa kaukulang disposisyon. (Tony Miñano Macalisang/ Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.