• Tony Miñano Macalisang

2 lalaking nangisda sa marine sanctuary sa San Fernando, Romblon, timbog


SAN FERNANDO, Romblon – Arestado ang dalawang lalaking nangingisda sa marine sanctuary na sakop ng bayan ng San Fernando, Romblon dakong 1:30 ng hapon ng Enero 15, 2021.


Kinilala ng San Fernando Municipal Police Station (SFMPS) ang mga suspek na sina Jiger Perez Rosas, 21 taong gulang, binata, residente ng Barangay Poblacion, San Fernando at Aeron Rutor Rollon, 21 taong gulang, binata at nakatira sa Barangay Panangcalan, San Fernando, Romblon.


Ayon sa imbestigasyon ng San Fernando MPS, nakatanggaap umano sila ng sumbong hingil sa mayroong nangingisda sa loob ng marine sanctuary ng sakop ng bayan ng San Fernando.


Agad namang kumilos at pinuntahan ng mga tauhan ng San Fernando MPS ang naturang lugar sa pamumuno ni PCpl Robert Forio kasama ang mga miyembro ng Bantay Dagat ng nasabing bayan at kanilang nasakote ang mga suspek na lumabag sa Sec. 7 Paragraph B ng Municipal Ordinance No. 43 na San Fernando, Romblon.


Ang mga hinuling suspek ay dinala ng mga awtoridad sa himpilan ng San Fernando MPS kasama ang mga kinumpiska na iba’t-ibang klase na isda para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.