• Tony Miñano Macalisang

2 na taga San Fernando na naclose contact ng unang positive na LSI nagpositibo sa COVID-19


SAN FERNANDO, Romblon – Ipinabatid ng Provincial Health Office - Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PHO-PESU) na nagpositibo ang dalawang na close contact ng unang pasyente na positibo sa COVID-19 sa bayan ng San Fernando matapos dumating ang confirmatory test na RT-PCR Test.

Ayon sa Rural Health Unit ng San Fernando sa kanilang FB page, naka isolate na umano ang dalawa na unang nakahalubilo ng naunang pasyenteng Locally Stranded Individuals (LSIs) na nagpositive sa COVID-19 bago pa man lumabas ang resulta mula sa RITM.

Ipinaalala naman ng pamunuan ng RHU-San Fernando sa publiko na huwag magpanic at manatiling kalmado at manatili sa bahay.


Kanila pang hiling na patuloy silang suportahan at magtiwala sa mga frontliners kung saan ay kanilang ginagawa ang lahat para mapangalagaan ang kalusugan ng taga San Fernando. Anila pa na samahan sila sa pagdarasal upang malampasan ang nasabing pagsubok.


Mula naman sa kapitolyo, ipinakiusap ni Governor Jose “Otik” Riano na mag-ingat ang lahat at sumunod sa pinapatupad na health protocol kagaya ng pagsusuot ng face mask, social distancing at ugaliin na laging maghugas ng kamay.


Muli pinapakiusap ko po na tayo ay mag ingat, ugaliing maghugas ng kamay or gumamit ng alcohol, magsuot ng face mask at mag social distancing upang hindi magkaroon ng transmission ng COVID 19 virus dito sa ating probinsiya,” ayon kay Governor Riano.

Ayon pa kay Governor Riano, ipagdasal na umano ang mga kababayan na taga San Fernando at kanyang hiling sa Panginoon na maprotektahan ang mga ito sa virus.

“Ipanalangin din po natin ang ating mga kababayan natin sa San Fernando at sana ay protektahan sila ng ating Panginoon at iadya sa virus na ito,” dagdag pa ni Governor Riano. (Tony Miñano Macalisang/ Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.