• Tony Miñano Macalisang

3 BABAE SA KABESIRA (ROMBLON) HINULI SA PAGLABAG SA PD 1602


ROMBLON, Romblon – Tatlong babae na may warrant of arrest ang inaresto ng kapulisan dakong 2:40 ng hapon ng Setyembre 9, 2020 sa Barangay II, Poblacion, Romblon, Romblon.


Ang mga inaresto ay kinilala ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station (RMPS) na sina Susan Tambong Silverio, 50 taong gulang, may-asawa, Susan Cortez, Tambong, 47 taong gulang, may-asawa at Marites Cortez Alawan, 41 yrs old, may-asawa at pawang mga residente ng Barangay Capaclan, Romblon, Romblon.


Ang nasabing mga personalidad ay hinuli sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Maria Cristita A. Rivas-Santos, Presiding Judge, Municipal Trial Court, Fourth Judicial Region, Romblon, Romblon na may petsang Agosto 27, 2020 dahil sa paglabag sa B.P. 1602 as Amended by Republic Act 9287 sa ilalim ng Criminal Case No. 4646 at may rekomendad piyansa na halagang Sampung libong piso (P10,000.00) bawat isa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.


Ang nasabing mga inaresto na “wanted person” ay nasa ilalim ng kustodiya ng Romblon MPS at ihaharap sa nakakasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.