• Tony Miñano Macalisang

3 Frontliner ng RDH kabilang sa apat na nagpositibo sa COVID-19 sa lalawigan ng Romblon


ROMBLON, Romblon – Muling nadagdagan ng apat (4) ang nagpositibo sa COVID-19 sa buong probinsya ng Romblon, mula sa 29 kahapon ay nasa 33 na ang aktibong kaso ngayong araw, Nobyembre 28, 2020.


Base sa tala ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) Romblon, tatlong lokal transmisyon ang nadagdag sa bayan ng Romblon na ngayon ay may 26 na aktibong kaso, at isang LSI naman ang sa bayan ng San Fernando na mayroon nang 6 na kaso habang nananatiling isa ang sa bayan ng Alcantara.


Ayon sa RHU Romblon ang tatlong nagpositibo sa kabesira ay mga frontliner sa Romblon District Hospital (RDH) na dalawang babae na ang edad ay 61 at 57 at isang lalaki na 57 taong gulang na naging close contact ng mga naunang nagpositibo sa COVID-19 sa naturang bayan.


Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pagsagawa na contact tracing sa mga bagong nagpositibo sa coronavirus.


Samantala may dalawang suspek ang minomonitor at nasa 89 naman ang hinihintay pa ang resulta ng kanilang RT-PCR test.


Ang mga nagpositibo sa COVID-19 ay patuloy na nagpapagaling sa kanilang mga isolation units.


Laging ipinaalaala ng kinaukulan, upang maiwasan ang virus ay sumunod sa pinapatupad na minimum health standard protocols ng DOH, huwag lumabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan, maging maingat sa sarili, ugaliing magsuot ng face mask at face shield, panatilihin ang social distancing ng isang metro ang layo sa ibang tao at laging maghugas ng kamay. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)


Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.