• Romblon Sun

3 katao inaresto sa illegal gambling sa Odiongan, Romblon


ODIONGAN, Romblon – Timbog ang tatlong nagsusugal sa Barangay Tabing Dagat, Odiongan, Romblon dakong 5:45 ng hapon ng Abril 26, 2021.


Sa Police Report ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS) dakong 5:45 ng hapon ng nasabing petsa ay nagsagawa ang pinagsanib na operatiba ng isang Anti-Illegal Operation sa pangunguna ng CIDG Romblon PFU (Lead Unit), PIU/PDEU Romblon PPO at Odiongan MPS kung saan ay nahuli ang tatlong nagsusugal.


Kinilala ng mga awtoridad ang mga nahuli na sina Emerlita Maestro Galos, 43 taong gulang, may-asawa, walang trabaho, at nakatira sa Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon, Annabelle Alfaro Panoy, 39 walang asawa, at residente ng Sitio Malipayon, Barangay Anahao, Odiongan, Romblon at Daniel Miṅon Fabello, 58, may-asawa, Assistant Professor ng RSU at residente ng Sitio Pag-asa, Barangay Tuburan, Odiongan, Romblon.


Nakumpiska sa naturang grupo ang baraha na ginamit sa paglalaro at pera na nagkahahalaga umano ng P860.00 sa iba’t-ibang denominasyon, isang mesa na yari sa kahoy, tatlong upuan na monoblock at isang table cloth.


Ang mga inaresto ay dinala sa CIDG Romblon PFU Office para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. (Romblon Sun Online).

ADVERTISE WITH US!.png