• Tony Miñano Macalisang

3 katao nabundol ng motorsiklo na minamaneho ng nakainom na drayber


SAN AGUSTIN, Romblon – Aksidenteng nasagasaan ng motorsiklo na minamaneho ng nakainom na drayber ang tatlong magkakamag-anak na nasa tabi ng kalsada kahapon ng 8:30 ng gabi, Disyembre 13, 2020 sa national road na sakop ng Sitio Pagatpat, Barangay Doña Juana, San Agustin, Romblon.


Ang mga biktima ay napag-alaman na sina Alexander Manga Mayo, 28 taong gulang, binata, manggagawa, Alexis Mayo Abinez, 13 taong gulang, estudyante at si Christian Jay Mayo Abinez, 12 taong gulang, estudyante at mga residente ng Sitio Pagatpat, Barangay Doña Juana, San Agustin, Romblon, habang ang itinuturong suspek ay kinilala na si Dexter Maeje Arnais, 21 taong gulang, binata manggagawa at kabarangay ng mga biktima.


Base sa impormasyon ng Sa Agustin Municipal Police Station (SAMPS) sa nasabing petsa, oras at lugar ay nakaupo umano ang mga biktima sa gilid ng kalsada habang naglalaro ng kanilang cellphone kung saan ay may bilang humarurot na kulay pulang motorsiklo na Rusi 125 na walang plaka na papunta sa kanilang direksyon na minamaneho ng suspek at direktang nabundol ang mga biktima bago natumba ang nasabing motoriklo. Dahil sa naturang pangyayari ay nagtamo ng mga sugat at galos sa iba’t-ibang parte ng katawan ang mga biktima ganun din ang drayber ng motorsiklo na si Arnais.


Agad namang isinugod sa Tablas Island District Hospital ang mga biktima at ang suspek para malapatan ng agarang lunas.

Sa dagdag na imbestigasyon, napag-alaman ng pulisya na ang suspek ay wala umanong lisensya sa pagmamaneho at ito ay nasa ilalim ng espiritu ng alak noong maganap ang naturang aksidente. (Tony M. Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.