• Tony Miñano Macalisang

3 lalaki timbog sa illegal logging sa Odiongan, Romblon


ODIONGAN, Romblon – Arestado ang tatlong lalaki sa ginawang anti-illegal logging operation ng kapulisan nitong 3:00 ng hapon ng Abril 26, 2021 sa Sitio Baito, Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon.


Ang mga naarestong suspek ay nakilala na sina Reynard Montoya Dela Cruz, 32, binata, chainsaw operator, Jonathan Falcunitin Lilang, 33, binata, helper at si Moses Cezar Familara, 55, helper at pawang mga residente ng Barangay Pato-o, Odiongan, Romblon.


Sa ulat ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS) isang anti –illegal logging operation ang ikinasa ng pinagsanib na operatiba ng CIDG Romblon PFU (Lead Unit), PIU/PDEU Romblon PPO at Odiongan Municipal Police Station sa Sitio Baito, Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon kung saan ay naaresto ang nasabing mga suspek.


Nakumpiska sa mga ito ang isang STIHL chainsaw machine na walang permit o lisensya mula sa ahensya ng DENR, isang container na may laman na 6 na litrong gasolina at dalawang piraso 8x8x13 na nilagare ng puno ng niyog na may kabuuang sukat na 69.3 board feet at tinatayang nagkahahalaga ng P1,039.50.


Ang mga inarestong suspek ay dinala sa opisina ng CIDG kasama ang mga nakumpiskang ibedensya para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)

ADVERTISE WITH US!.png