• Tony Miñano Macalisang

3 lalaking wanted sa San Fernando inaresto ng kapulisan


SAN FERNANDO, Romblon – Tatlong lalaki na may Warrant of Arrest ang hinuli ng mga tauhan ng San Fernando Municipal Police Station (SFMPS) noong 10:30 ng umaga ng Agosto 13, 2020 sa Barangay Pili, San Fernando, Romblon.


Kinilala ng San Fernando MPS ang mga suspek na sina Mabini Royo Rollon, Salvador Romero Vicente at Alfredo Rollon Bantique, Jr., mga nasa tamang edad, may-asawa at magsasaka at pawang residente ng Barangay Pili, San Fernando, Romblon.


Ang nasabing mga suspek ay dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Ma. Paz A. Besonaya ng 4th MCTC, Cajidiocan, Romblon na may petsang Hulyo 27, 2020 dahil sa kasong Serious Physical Injuries with permanent Disability under CC No. 5560 at may rekomendang piyansa na halagang Six Thousand Pesos (P6,000.00) bawat isa.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Fernando MPS ang mga suspek upang isailalim sa dokumentasyon at ihaharap ang mga ito sa nakakasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.