• Tony Miñano Macalisang

3 LSI sa Odiongan nagpositibo sa Rapid Diagnostic Test




ODIONGAN, Romblon – Ipinababatid ng Odiongan LGU na nagpositibo ang tatlong Locally Stranded Individual (LSI) na dumating kaninang umaga, Hunyo 29, 2020 na sakay ng barkong Montenegro.


Agad namang inilipat ang mga ito sa isang isolation facility na inihanda ng LGU-Odiongan para paglagyan ng mga umuuwing LSIs mula sa ibang lugar.


Upang matiyak ang resulta, ang nasabing mga LSIs ay isasailalim pa sa RT-PCR Test at ipapadala ang specimen sa Maynila upang maipasuri sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa kaukulang kumpirmasyon.


Laging ipinapaalaala ng LGU-Odiongan at ng Odiongan Rural Health Unit na huwag kalimutan ang palaging pagsusuot ng facemask, panatilihin ang isang metrong layo sa katabi o magsocial distancing, laging maghugas ng kamay at kung maari ay manatili sa bahay. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.