• Tony Miñano Macalisang

3 Mangingisda arestado sa Romblon, Romblon dahil sa paglabag sa RA 8550 (Unauthorized Fishing)


ROMBLON, Romblon – Tatlong mangingisda ang dinakip ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa RA 8585 (The Philippine Fisheries Code of 1998) nitong madaling araw ng Sabado, sa karagatan na sakop ng Barangay Cobrador, Romblon, Romblon.


Ang tatlong lalaki ang nakilala na sina Mark Ganoria Fronda, 34 taong gulang, binata, may-ari at boat captain ng bangka, Christopher Mazo Gabay, 44, may-asawa, boat mechanic at Raymond Ryan Antonio Campit, 24, binata, master fisherman, at pawang mga residente ng Barangay Long Beach, San Agustin.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng joint seaborne patrol operation laban sa illegal fishing activity ang mga operatiba ng Romblon Maritime Police Station sa pangunguna ni PLT Michael D. Martinez, Romblon Municipal Police Station, Regional Intelligence Division PRO MIMAROPA, RPDEU/RSCG at PIU, Romblon PPO sa teritoryo na sakop ng munisipyo ng Romblon, Romblon kung saan ay kanilang namataan at hinuli ang isang commercial fishing boat na kulay puti at blue at may markang FBCA TRES MARIALYN 2, may Gross Tonnage na 10.11 at tinatayang humigit kumulang ay nasa 10 kilometro ang distansiya mula sa dalampasigan ng Barangay Cobrador, Romblon, Romblon.


Ang mga inarestong mangingisda, bangkang pangisda at mga gamit pangisda kabilang ang limang kilos na ibat-ibang uri ng isda na tinatayang nagkahahalaga ng limang daang piso (P500.00) ay dinala sa Romblon Maritime Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.