• Romblon Sun

3 mangingisda hinuli dahil sa illegal fishing sa Romblon, Romblon


ROMBLON, Romblon – Tatlong mangingisda ang hinuli ng mga awtoridad nitong umaga ng Pebrero 11, 2021 sa Barangay Cobrador, Romblon, Romblon dahil sa ilegal na pangingisda.


Ang mga dinakip ay kinilala na sina Rey Malto, nasa hustong gulang, Boat Captain at residente ng Barangay Linao, Calatrava, Romblon, Mark Ryan Arca, nasa hustong gulang, Boat Mechanic, residente ng Barangay Cobrador, Romblon, Romblon, at Ernesto Magbanua, nasa hustong gulang Master fisherman, at residente ng Barangay Linao, Calatrava, Romblon.


Ayon sa ulat, sa nasabing petsa, oras at lugar ang Romblon Maritime Police na pinamunuan ni PCpl Victor Maligang kasama ang mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station (RMPS) ay nagsagawa ng pagpapatrolya sa karagatan na sakop ng Barangay Cobrador, Romblon, Romblon kung saan ay kanilang naaktuhan ang mga mangingisda na lumabag sa Sec 86 ng RA 10654 (Unauthorized fishing) habang sakay ng kanilang motorboat na may marka na, “Kian Joy” na kulay puti at pula.


Nakumpiska sa mga mangingisda ang ginamit na bangkang de motor, at ibat-ibang klase ng nahuling isda.


Dinala ang mga suspek at ang nakumpiskang kagamitan sa Romblon MARPSTA Office sa Barangay Lonos, Romblon, Romblon para sa kaukulang disposisyon. Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.