3 pulis sugatan matapos ambusin at sunugin ang sinasakyang patrol car sa Mansalay, Oriental Mindoro


ORIENTAL Mindoro – Tatlong tauhan ng PNP ang sugatan sa nangyaring pag-ambush at pagsunog ng NPA sa patrol car ng pulisya kaninang 11:30 ng umaga, Setyembre 28, 2020 sa Mabaho Road, Barangay Cabalwa, Mansalay, Oriental Mindoro.


Kabilang sa mga nasugatan ay sina PCpl Michael Librea, PCpl Vincent Dominguez, at Patrolman Norman A. Alvaro na dinala sa Roxas District Hospital, Roxas, Oriental Mindoro.


Kasama ring dinala sa nasabing pagamutan ang nakaligtas sa pananambang na sina Patrolman Mevin Galendez at Patrolman Mark Joseph Rebugio.


Ayon sa ulat ng pulisya, limang tauhan ng 403rd B Mobile Company ng Regional Mobile Force Battalion na pinamumunuan ni PCpl Michael L. Librea na nakasakay sa mobile car at pauwi na sa kanilang kampo matapos na magsagawa ng pagpapatrolya ang tinambangan ng hindi pa batid na bilang ng mga New Peoples Army (NPA).


Sinunog rin umano ng nasabing CTGs ang patrol car na pag-aari ng gobyerno bago lumisan sa nasabing lugar.


Kasalukuyang nagsasagawa ng hot pursuit operation ang pinagsanib na tauhan ng Regional Mobile Force Batalion (RMFB) at ng 203rd Brigade.(Tony Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.