• Tony Miñano Macalisang

37 kaso ng COVID-19 naitala sa lalawigan ng Romblon, dalawa ang aktibo sa kasalukuyan


ROMBLON, Romblon – Sa tala ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) Romblon ang probinsya ng Romblon sa kabuuan ay mayroon nang bilang na 37 na kaso ng COVID-19 at dalawa sa kasalukuyan ang aktibo na minomonitor ng kani-kanilang LGU.


Ang dalawang aktibo na kabilang sa 37 na kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Romblon ay nasa bayan ng Romblon na isang local transmission at nakaconfine at naka isolate sa Romblon District Hospital (RDH) at ang pangalawang pasyente na pinakahuling naitala ng PESU ay isang LSI na bagong dating sa bayan ng Odiongan nitong Nobyembre 4 at nakumpirma na nagpositibo nitong Nobyembre 11 ay naka quarantine at minomonitor ng mga tauhan ng Rural Health Unit ng Odiongan LGU ang kanyang kalagayan.


Sa tatlumpu’t pitong (37) kaso na tinamaan ng COVID-19 na naitala ng PESU Romblon ay lima (5) dito ang lokal na transmisyon at tatlumpu’t dalawa (32) naman ang imported o galing sa labas ng probinsya ang transmission.


Sa datos na ipinalabas ng PESU, ang mga sumusunod na bayan ang nagkaroon ng kaso ng COVID-19; Alcantara, 1 (imported), Cajidiocan 2, 1 (local) 1 (imported), Calatrava 5 (imported), Concepcion 1 (local), Magdiwang 1 (imported), Odiongan 1 (imported), Romblon 6, 2 (local) 4 (imported), San Andres 5 (imported), San Fernando 12 (imported), San Jose 1 (local) at Santa Maria 2 (imported).


Sa kabuuang bilang na 37 kaso ng COVID-19 sa lalawigan, nasa 34 ang nakarekober at gumaling samantalang isa naman ang naiulat na namatay sa bayan ng Romblon, Romblon at dalawa ang kasalukuyang naka isolate at minomonitor ng kinaukulan.


Sa ngayon ay may dalawang suspek ang sinusubaybayan at nasa 68 na bilang naman ang hinihintay na resulta ng kanilang swab test.


Ipinapaalaala ng DOH Romblon na manatiling sundin ang ipinapatupad na minimum Health Standard, kagaya ng pagsuot ng face mask, face shield, laging maghugas ng kamay o gumamit ng alcohol, ementina ang social distancing, iwasan ang mataong lugar at manatili sa bahay kung walang importanteng gagawin sa labas ng bahay para sa kaligtasan ng bawa’t isa. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.