• Tony Miñano Macalisang

4 katao dinakip sa ilegal na pangingisda sa San Andres Romblon


SAN ANDRES, Romblon – Hinuli ng mga tauhan ng San Andres Municipal Police Station (SAMPS) ang apat katao na lumabag sa pinapatupad na Municipal Ordinance ng San Andres, nitong 1:20 ng hapon ng Enero 25, 2021 sa Barangay Tanagan, San Andres, Romblon.


Ang mga inaresto ay kinilala na sina Dame Familiano Gaboc, 54 taong gulang, may-asawa, Mariel Gadon Marcelino, 38 taong gulang, walang asawa, Marcelino Santiago, 48 taong gulang, may-asawa, Kamlon Talamisan Famadulan, 30 taong gulang, binata at pawang mga residente ng Sitio Colis, Barangay Calunacon, San Andres, Romblon.


Base sa ulat ng San Andres MPS, sa nasabing petsa, oras at lugar ang mga operatiba ng San Andres MPS ay nagsagawa ng pagpapatrolya sa karagatan na sakop ng munisipyo kung saan sa bandang Barangay Tanagan, San Andres ay may nakita silang kulay puti na bankang de motor na may markang “Lucky One” na nagsasagawa ng ilegal na pangingisda gamit ang “active gears (scaring device)” na paglabag sa Municipal Ordinance No. 2002-06 Chapter V Section 43 (Use of the Active Gears in the Municipal Waters and other Management Fishery Areas of San Andres, Romblon).


Ang may-ari ng naturang bangka na isang nagngangalang Dame Familiano Gaboc kasama ang tatlong mangingisda ay dinala sa San Andres MPS para sa imbestigasyon at ganun din ang bangka at mga ginamit na paraphernalia sa pangingisda na naipasailalim sa kustodiya ng Municipal Agricultural Office (MAO) ng bayan ng San Andres, Romblon para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.