4 katao sa Looc huli sa Pusoy Dos

LOOC, Romblon – Inaresto ng mga tauhan ng Looc Municipal Police Station (LMPS) ang apat na suspek na naaktuhan na naglalaro ng “pusoy dos” nitong 4:00 ng hapon, Hunyo 3, 2020 sa Sitio Sampaguita, Barangay Camandag, Looc, Romblon.





Sa imbestigasyon, isang mensahe ang natanggap ng Looc MPS mula sa isang concerned citizen na mayroon umanong nagsusugal sa nasabing Sitio kaya’t agad na nagsagawa ng operasyon ang Looc MPS sa pangunguna ni PMAJ Christopher T. Leal. ACOP, laban sa mga suspek kung saan ay naaktuhan ang mga ito na naglalaro ng “Pusoy Dos”.


Nakuha sa mga uspek ang isang deck ng baraha at tayang pera na may kabuuang halaga na Dalawang daan at dalawampung Piso (220.00). Isa umano sa suspek ay miyembro ng 4Ps. Ang apat na suspek ay sinabihan ng kanilang mga karapatan at ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 (Illegal Gambling).

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.