• Romblon Sun

4 mangingisda sa San Fernando timbog sa illegal fishing


SAN FERNANDO, Romblon – Dahil sa paglabag sa paggamit ng compressor apat na mangingisda ang dinakip ng kapulisan sa Barangay Azagra, San Fernando, Romblon dakong 7:30 ng gabi ng Abril 25, 2021.


Ang mga hinuli ay nakilalang sina Joel Rino Rollan, 49 taong gulang, may-asawa, Christian Pelit Rino, 42, may-asawa, John Rollan Relox, 25, may-asawa, at Joel Rino Rollan, 25, may-asawa at pawang mga residente ng Barangay Azagra, San Fernando, Romblon.


Sa ulat ng San Fernando Municipal Police Station dakong 6:20 ng gabi ng ikasa ng kanilang estasyon kasama ang mga tauhan ng Bantay Dagat ang anti-illegal fishing operation sa karagatan na sakop ng San Fernando kung saan ay kanilang nahuli sa akto ang nasabing mga mangingisda na gumagamit ng air compressor sa pangingisda na isang paglabag sa pinapatupad na “Municipal Ordinance 35-B (Banning the use of Compressor as Breathing Apparatus in Any Fishing Activity”.


Nakumpiska sa naturang grupo ang mga fishing paraphernalia, compressor hose, compressor hose, air tank, fins at spear gun.


Dinala ng mga operatiba ang naturang mga mangingisda sa San Fernando MPS para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)

ADVERTISE WITH US!.png