• Tony Miñano Macalisang

4 na maybahay na naaktuhang nagsusugal sa Cajidiocan, Romblon, tiklo sa pulisya


CAJIDIOCAN, Romblon – Timbog ang apat na babaeng naaktuhang naglalaro ng baraha kahapon ng hapon, Oktubre 22, 2020 sa Sitio Seaview, Barangay Poblacion, Cajidiocan, Romblon.


Ang mga suspek ay nakilala na sina Mercy R. Rocero, 46 taong gulang, may kinakasama, walang trabaho; Lyrissa R. Bea, 39 taong gulang, balo, walang trabaho; Shane Riñon, 24 taong gulang, may-asawa, walang trabaho at May Rocero, 58 taong gulang, may-asawa, walang trabaho at pawang mga residente ng Barangay Poblacion, Cajidiocan, Romblon.


Sa imbestigasyon ng pulisya, sa nasabing oras, petsa at lugar ang mga tauhan ng Cajidiocan Municipal Police Station (CMPS) ay nagsagawa ng anti-illegal gambling operation kung saan ay naaktuhang nagsusugal ang mga suspek gamit ang baraha na isang paglabag sa PD 1602 as amended by RA 9287.


Nakumpiska sa mga suspek ang isang set ng baraha na ginamit sa pagsusugal, isang kulay pula na XL na t-shirt at mga itinayang pera na may iba’t-ibang denominasyon na nakakahalaga ng P236.00.


Ang mga suspek at ang nakumpiskang mga gamit ay dinala sa Cajidiocan MPS para sa kaukulang disposisyon.


Kasong paglabag sa PD 1602 as amended by RA 9287 ang inihahanda ng pulisya para isampa sa Prosecutor’s Office laban sa mga suspek. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.