• Tony Miñano Macalisang

4 na mga bata na nangangahoy hinabol at sinigawan ng pagbabanta ng 2 lalaki sa San Agustin, Romblon


SAN AGUSTIN, Romblon – Hinabol at sinigawan ng pagbabanta ng dalawang lalaki ang apat na magkapatid sa Sitio Ilaya Small, Barangay Doṅa Juana, San Agustin, Romblon dakong 11:00 ng umaga ng Pebrero 20, 2021.


Ang inireklamong mga suspek at kinilala na sina Arnold Manalon Gallos, 43, may kinakasama, magsasaka at Ronald Manalon Gallos, binata, magsasaka at parehong residente ng Sitio Ilaya Small, Barangay Dona Juana, San Agustin, Romblon. Habang ang mga biktima ay ang magkapatid na sina Andrew Buhala Montesa, 8 taong gulang, Grade 2 pupil ng Dona Juana Elementary School, Andrea Buhala Montesa, 9, Grade 2 pupil, Ronalyn Buhala Montesa, 6, Kinder at Rolly Buhala Montesa, Jr., 4 taong gulang at pawang nakatira sa Sitio Ilaya Small, Doṅa Juana, San Agustin, Romblon.


Sa ulat ng San Agustin Municipal Police Station (SAMPS), sa nasabing petsa, oras at lugar, ang apat na magkapatid ay kukuha sana ng panggatong na kahoy ng bigla na lang umanong hinabol ng mga suspek na may dalang armas na gulok ang mga biktima ng walang dahilan kung saan ay tumakbo ang mga bata pauwi sa kanilang bahay upang makaiwas sa mga suspek na sumisigaw umano ng malakas na pagbabanta na, “Yawa kamo na mga unga kamo, pampatyon ta kamo!”


Ayon sa ina ng mga bata na si Manelyn Montesa, mayroon umanong dating alitan sa pagitan ng mga suspek at ng kanyang asawa na si Rolly na nagsampa ng kaso dahil sa insidenteng pananaga na ginawa ng naturang mga suspek.


Samanatala, nagsagawa naman ng hot pursuit operation ang kapulisan sa pangunguna ni PLT. Eric Herald R. Faigao, OIC ng San Agustin MPS upang maaresto ang mga suspek na makakasuhan ng paglabag sa RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) na inihahandang isampa sa Korte laban sa nasabing mga suspek. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.