• Tony Miñano Macalisang

5 dayong Mangingisda Mula sa Mindoro inaresto ng kapulisan ng Concepcion, Romblon


CONCEPCION, Romblon – Dinakip ng pulisya ang limang dayong mangingisda na taga Mindoro na pumasok sa teritoryo ng Concepcion, Romblon kahapon ng 1:00 ng hapon, Setyembre 11, 2020 sa karagatan na sakop ng Barangay Bachawan, Concepcion, Romblon.


Kinilala ang mga inaresto na sina Ricky P. Lotero, 52 taong gulang, may-asawa, Federico M. Monton, 48 taong gulang, may-asawa, Wilson O. Pedraboza, 46 taong gulang, may-asawa, Benjamin D. Laceda, 56 taong gulang, may-asawa, at Mias E. Mason, 53 taong gulang, may-asawa at pawang mga residente ng Barangay Wawa, Pinamalayan, Oriental Mindoro.


Nahuli ang nasabing mga suspek sa ginawang anti-illegal fishing operation ng Concepcion Municipal Police Station sa karagatan na sakop ng naturang bayan sa pangunguna ni PSSG Oscar S. Merida, Jr kasama ang apat na tauhan ng nasabing estasyon, na naaktuhang nangingisda na hindi nakarehistro sa nasabing bayan na isang paglabag sa Municipal Ordinance No. 2011-09 Sec. 110 “Engaging in Fishing or other Fishery Activity without having been registered (Comprehensive Municipal Fishery Code of Concepcion).


Ang mga nahuling suspek ay dinala sa Concepcion MPS para sa kaukulang disposisyon at pinalaya rin pagkatapos na makapagbayad ng kaukulang multa na halagang Two Thousand Five Hundred Pesos (P2,500.00) sa Municipal Treasurer’s Office ng Concepcion, Romblon. (Tony Miñano Macalisang/ Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.