• Tony Miñano Macalisang

7 na lalaki timbog habang nagsusugal gamit ang baraha sa bayan ng San Fernando, Romblon


SAN FERNANDO, Romblon – Tiklo sa kapulisan ang pitong lalaki na naaktuhang naglalaro ng ilegal na sugal dakong 12:15 ng umaga ng Agosto 31, 2020 sa Sitio Talaba, Barangay Taclobo, San Fernando, Romblon.


Kinilala ang mga dinakip na sina Jay-Ar Rada Posia, 29 taong gulang, binata, walang trabaho, Bryan Francisco Recto, 33 taong gulang, binata, construction worker, Mario Estrella Rubas, 50 taong gulang, may-asawa, construction worker, Mekhael Riano Madriaga, 32 taong gulang, may kinakasama, walang trabaho, Shien Shein Uy Aganan, 23 años, may kinakasama, walang trabaho, Allan Recto Tolentino, 26 taong gulang, may kinakasama, at pawang mga residente ng Barangay Taclobo, San Fernando, Romblon at si Bernard Recto Rezano, 24 taong gulang, may kinakasama, walang trabaho at nakatira sa Barangay España, San Fernando, Romblon.


Ayon sa pulisya, sa nasabing oras, araw at lugar ay ikinasa ng pinagsanib na tauhan ng San Fernando Municipal Police Station (SFMPS) sa pangunguna ni PLt. Ann Michell V. Selda at ng 3rd Manuever Platoon ng Romblon Provincial Mobile Force Company ((RPMFC) ang operation laban sa illegal gambling sa naturang lugar kung saan ay naktuhang naglalaro ng baraha ang pitong (7) mga suspek.


Nakuha sa mga suspek ang ginamit na baraha, pera na halagang dalawang libo apat na raan at tatlumpung piso (P2,430.00) na pinapaniwalaan na ginamit na pangpusta at isang kumot.


Ipinaalam naman sa mga suspek ang kanilang karapatan sa ilalim ng Saligang Batas ng Pilipinas at pagkatapos ay dinala sa himpilan ng San Fernando MPS para sa kaukulang disposisyon.


Nahaharap ang mga hinuling suspek sa paglabag sa PD 1602 as amended by RA 9287 at inihahanda ng pulisya ang kasong isasampa sa piskalya laban sa mga suspek. (Tony M. Macalisang/Romblon Sun Onl

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.