• Tony Miñano Macalisang

7 na panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala ngayong araw sa bayan ng Romblon at San Fernando


Romblon, Romblon – Nadagdagan ng pitong aktibong kaso na positibo sa COVID-19 ang lalawigan ng Romblon ngayong araw, Nobyembre 20, 2020 matapos na maitala ang anim (6) sa bayan ng Romblon at isa naman sa bayan ng San Fernando.


Ang bagong 6 na kaso sa Romblon, Romblon na lokal na transmission ay kabilang sa 54 na katao na isinailalim sa swab test na nakahalubilo ng mga nagpositibo sa virus at isang bagong dating na Locally Stranded Individual (LSI) naman ang sa bayan ng San Fernando na dumating noong Nobyembre 11, 2020 na sakay ng barkong Navios at nagkaroon ng sintomas at ito ay isinailalim sa swab test noong Nobyembre 16, at dumating ang resulta kaninang umaga.


Sa kabuuan ay mayroong bilang na labing lima (15) na aktibong kaso ng COVID-19 sa buong probinsya ng Romblon, 13 sa bayan ng Romblon, 1 sa bayan ng Odiongan at 1 naman sa bayan ng San Fernando na pawang nasa kanilang isolation facility.


Ayon sa Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) Romblon, sa kasalukuyan ay may limang (5) suspek ang minomonitor at nasa 50 naman ang hinihintay pa ang resulta.


Pinapakiusap ng kinaukulan ang lahat na habang ginagawa ang contact tracing ay manatili muna sa bahay at huwag lumabas kung wala din lang gagawing importante. Sundin ang health protocols kagaya ng social distancing, pag suot ng face mask/face shield at pag gamit ng alcohol para makaiwas sa COVID-19. Huwag ring kalimutan na manalangin para sa kaligtasan ng lahat. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.