• Tony Miñano Macalisang

8 na taga Looc na may exposure sa pasyente na nagpositibo sa COVID, negatibo sa RT-PCR


LOOC, Romblon – Masayang ibinalita ng PIO Looc, Romblon na nagnegatibo ang walo na taga Looc na may exposure sa covid patient at maging yung mga nagpositibo sa isinagawang rapid test.


Pinasalamatan naman ni Dra Lenie Manayam, Hepe ng DMFSMH, una ang Diyos sa pagsagot ng kanilang panalangin.


"Thank you Lord Jesus for answering our prayers, all four turned out negative," ayon kay Dra. Manayam.


Kanya rin pinasalamatan ang mga na-quarantine na mga staff sa kanilang ibinigay na serbisyo na kung saan ang mga ito ay hindi nagpadaig sa takot. Lubos rin niyang ipinagmalaki ang ipinakitang katapangan ng mga tauhan sa harap ng pagsubok.


Thank You for your service and for not allowing fear to paralyze us. I'm proud of the courage you've shown,” ayon pa kay Dra. Manayam.


"Laya na kayo", ang pabiro pang sinabi ni Dr. Manayam sa kanyang mga staff na dating isinailalim sa quarantine facility matapos ang isinagawang contact tracing sa dating inadmit na pasyente sa DMFSMH isang linggo na ang nakalipas.


Malaki rin ang pasasalamat ng mga staff at nalampasan nila ang di inaasahang problema na kasama sa kanilang trabaho bilang mga fronliners sa panahon ng COVID-19.


Pinaalala pa rin ng DOH na sundin ang pinapatupad na “Health Protocols” upang makaiwas sa coronavirus-19. (Tony Miñano Macalisang / Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.