• Tony Miñano Macalisang

Anak na dalaga ng pulis namigay ng Food Packs sa kanyang kaarawan sa mga pedicab drivers


ODIONGAN, Romblon - Isang dalagang anak ng pulis ang nagdiwang ng kanyang debut sa pamamagitan ng pagbibigay ng food packs sa mga pedicab drivers bilang tugon sa PNP’s Adopt-A- Family Program nitong Oktubre 11, 2020 sa Odiongan Municipal Police Station, Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon.


Si Tatiana Fernandez, na nagdiwang ng kanyang ika-18 kaarawan, ay mas ginustong mamigay ng food packs sa mga “padyakeros”, katuwang ang kanyang ama na si PLT Albert Jure M. Fernandez, DCOP ng Odiongan, kaysa maghanda ng magarbong pagtitipon.

Isinagawa ni Bb. Fernandez ang pagkaloob ng mga food packs sa Odiongan MPS kung saan sa kanyang pamamaraan ay naipamalas nito ang pagiging isang mabuting mamamayan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa na lubos na naapektuhan dulot ng paghina ng ekonomiya na dala ng COVID-19.

Natapos ang nasabing aktibidad na nag-iwan ng ngiti at kasiyahan sa mga napagkalooban ng nasabing mga food packs na siya layunin ng Odiongan MPS.





Ang Odiongan MPS bilang isa sa front liner ngayong panahon ng pandemya ay mas pinapaalab pa sa mga kababayan ang espiritu ng bayanihan, damayan at pagtutulungan sa kapwa na siyang kinagisnang kultura ng mga Pilipino. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.