ANGKAS APPROVED NA IN PRINCIPLE NG IATF


MANILA – APRUBADO na sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang angkas ngunit hindi pa ito puwedeng maipatupad hangga’t walang report ang Technical Working Group (TWG) kung ano ang maging pamantayan, ayon kay DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya.


Nakasaad sa Section D ng IATF-EID Resolution No. 47 na may petsang Hunyo 19, 2020, na ang backriding ay, "allowed in principle," thus: "The Department of Transportation, together with the Department of Science and Technology, Department of Health, Metro Manila Development Authority, and the Department of Trade and Industry directed to convene and determine the safest and most effective manner to reduce the rate of transmission in back riding in motorcycles. For this purpose, this mode of Transportation is hereinafter allowed in principle, upon the approval of the requirements to be set by this Technical Working Group."


Maghihintay na lang ng konting panahon para sa resulta na pag-uusap ng mga kinatawan ng mga ahensyang nabanggit na bubuo ng pamantayan upang sa ganun ay maipatupad na sa lalong madaling panahon ang angkas na kung saan ito ay matagal nang kahilingan ng mga mamamayan na kahit ang mag-asawa ay hindi pinapayagan na magbackride.

Sa mga liblib na lugar sa probinsya na mahirap pasukin ng papublikong sasakyan kagaya ng jeep ay single na motorsiklo ang pangunahing sasakyan.


Malaking tulong sa taong bayan kung mapayagan na ang angkas. Sisigla muli ang daloy ng ekonomiya at marami rin ang mabibigyan ng hanapbuhay bilang mga drayber ng single na motorsiko na kung tawagin sa parteng Mindanao ay “habal-habal.” (Tony M. Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.