• Tony Miñano Macalisang

"Angkas papayagan sa mag-asawa lang" – Sec. Año


MANILA - Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año na papayagan na ang angkas sa motorsiklo para lamang sa mag-asawa at live-in partners simula Hunyo 10, 2020 na may protective shields sa pagitan ng driver at angkas bilang pagtalima sa guidelines na pinapatupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).


“Simula July 10, ay papayagan na natin ang back-riding ngunit sa couples lang muna. Alam naman natin ang sitwasyon ngayon, tumataas ang bilang ng mga positive cases. At least ang couple ay nakatira sa iisang bahay lang ‘yan,” ayon kay Sec. Año.


Ayon kay Año kahit pinayagan na ang angkas sa mag-asawa ay kailangan pa rin na sumunod ang publiko sa pinapatupad na protocols ng IATF kagaya ng paglagay o pagkabit ng protective barriers sa motorsiklo. Ang polisiya sa pagsuot ng face masks sa mga pampublikong lugar ay estriktong ipapatupad ng mga otoridad.


Aniya pa, ang prototype na desinyo na isinumite ni Bohol Governor Arthur Yap ang gagayahin ng National task Force for COVID-19.



“Yung prototype model na sinubmit ni Gov. Yap, approved na ‘yan ng NTF at ito yung pinaka-prototype na gagamitin natin.”


Matatandaan na nitong kalagitnaan ng Hunyo ng mungkahi si Gov. yap na magkabit ng protective barrier sa pagitan ng driver at pasahero ng motorsiko para mapayagan ang angkas ngunit isaalang-alang pa rin ang kanilang kalusugan at kaligtasan.


“Maganda ito sapagkat protektado ang passenger,” he said. “May handle sa side nung barrier at lalagpas sa ulo niya ‘yung barrier para sigurado na walang laway na tatalsik and at the same time kailangang magsuot ng mask at naka-helmet ‘yung rider at passenger,” paliwanag ni Ano.


Sinabi ni Año na obligado na magpakita ng dokumento ang mag-asawa sa mga bantay sa Quarantine Control Point bilang patunay na sila nga ay mag-asawa.


Aniya pa na kailangan na dalhin nila ang kanilang marriage certificate at magpakita ng ID kung hahanapan ng law enforcers. “Ang couple is living in the same household, either they are married, or common-law husband and wife, or boyfriend or girlfriend,” he said. “Sa ID ay dapat magkapareho ng apelyido at kapag naman common-law husband and wife ay kailangang the same address sa ID. There are so many ways to prove naman that indeed they are a couple.”

Dagdag pa ni Año mapaparusahan ang mga lalabag sa nasabing pinapatupad na regulasyon. “Kapag hindi sila sumunod ay mapaparusahan sila. Maraming kaukulang kaso na puwedeng isampa sa kanila. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)


Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.