• Tony Miñano Macalisang

Anim na mangingisda at isang menor de edad tinamaan ng kidlat sa Magdiwang, Romblon isa patay


MAGDIWANG, Romblon – Nasawi ang isang mangingisda habang sugatan ang anim nitong kasamahan matapos na tamaan ng kidlat ang kubo na kanilang sinisilungan sa baybayin ng Magdiwang, Romblon pasado 7:00 ng gabi ng Huwebes, Hunyo 18, 2020.


Kinilala ang nasawing biktima na si Jervel Rustia, 28 taong gulang, at ang mga sugatan na sina Joel Monton, 42 taong gulang, Manny Roda, 44 taong gulang, Vicente Roña, 60 taong gulang, Alvin Rodelas, 50 taong gulang, Francisco Mingo, 29 taong gulang, mga mangingisda at isang menor de edad na kinilalang si Julio, pawang mga residente ng Magdiwang, Romblon.


Ayon sa ulat, nag-aabang umano ang nasabing mangingisda na mga dumadaan na kawan ng isda para kanilang lambatin at habang umuulan ng malakas ay nagpasilong muna ang mga ito sa isang kubo sa ilalim ng mga punong kahoy at ilang sandali lang ay kumidlat at nahagip ang sinisilungang kubo ng mga mangingisda na dahilan ng kanilang pagkasunog kasama ang dalawang aso na namatay.


Agad namang isinugod ang mga biktima sa Sibuyan District Hospital (SDH) sa bayan ng Cajidiocan, Romblon kung saan binawian ng buhay si Rustia dahil sa malubhang pagkasunog ng katawan.


Kasalukuyan namang nagpapagaling sa SDH ang lima pang biktimang mangingisda at ang kasamang menor de edad na nagtamo ng mga paso sa katawan. (Jolly “Haruta” Monton)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.