• Tony Miñano Macalisang

Anim na taong gulang na bata nabundol ng motorsiklo sa Odiongan


ODIONGAN, Romblon – Nahagip ng dumadaang motorsiklo ang batang tumawid sa kalsada sa Barangay Panique, Odiongan, Romblon dakong umaga ng Agosto 23, 2020.


Kinilala ang batang lalaking naaksidente na si Evan, 6 na taong gulang, at nakatira sa Sitio Tabing –Ilog, Barangay Panique, Odiongan, Romblon.


Ang itinuturong nakabangga sa bata ay napag-alaman na si Bayani Cajilig Meralles, 26 taong gulang, walang asawa, hair dresser at residente ng Barangay Malilico, Odiongan, Romblon.


Sa nakalap na impormasyon ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS), binabaybay umano ni Meralles ang national road ng Barangay Panique, Odiongan, Romblon sakay ng kulay itim na motorsiklong Honda XRM 125 papunta sa bayan ng San Andres, Romblon at nang pagsapit sa simbahan ng Iglesia Filipina Independiente (IFI) ay hindi nito namalayan ang bata na tumawid ng kalsada at sa iglap ay nabundol nito ang biktima na tumilapon sa kalsada at nawalan ng malay.


Agad naman isinugod ang bata at ang suspek sa Romblon Provincial Hospital para sa malapat ng agarang lunas.


Samantala ang motorsiko na sangkot sa naturang aksidente ay dinala ng mga tauhan ng Odiongan MPS sa kanilang himpilan para sa kaukulang disposisyon. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)


Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.