• Tony Miñano Macalisang

Apat na LSIs panibagong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Calatrava, Romblon


CALATRAVA, Romblon – Apat na panibagong kaso na nagpositibo sa COVID-19 ang naitala sa bayan ng Calatrava, Romblon kahapon, Setyembre 13, 2020.

Ayon sa Rural Health Unit (RHU) Calatrava ang mga nagpositibo ay apat na locally stranded individuals (LSIs) na dalawang lalaki at dalawang babae na sinasabing mga naging close contact ng naunang LSI na nagpositibo sa COVID-19 sa bayan ng Calatrava na sumailalim sa swab test noong Setyembre 11, 2020.

“Mayroon tayong karagdagang apat na kaso ng COVID-19 na naitala, sila ay mga locally stranded individuals (LSIs) na mga close contacts ng ating unang confirmed case dito sa bayan ng Calatrava,” ayon sa RHU Calatrava.

Ayon pa sa RHU Calatrava, ang nasabing kumpirmadong mga LSIs ay kasalukuyang nasa quarantine facility sa bayan ng Calatrava at nananatiling asymptomatic.

Sa kasalukuyan ang bayan ng Calatrava ay mayroon nang naitala na limang kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Panawagan ng RHU Calatrava na laging magsuot ng face mask, gumamit ng face shield pag lumabas ng bahay, laging sundin ay social distancing, maghugas ng kamay gamit ang sabon o ng alkohol at iwasan ang mataong lugar, huwag hawakan ang mukha kapag nakasuot ng face mask at manatili sa bahay kung walang importanteng gagawin sa labas ng bahay.


Sundin ang pinapatupad na protocols ng DOH upang malabanan ang kasalukuyang pandemya para na rin sa iyong sariling kaligtasan. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.