• Tony Miñano Macalisang

APAT NA WORKERS SA SAN JOSE NAG NEGATIBO NA SA SWAB TEST


SAN JOSE, Romblon – Malugod na ipinaalam ng San Jose Rural Health Unit na ang apat na manggagawa na naunang nag positibo sa Rapid Diagnosis Test (RDT) noong Hunyo 11, 2020 sa bayan ng San Jose, Romblon ay negatibo sa Confirmatory Test na isinagawa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Matatandaan na ang apat ay kasama sa isandaan at dalawampu’t tatlong (123) trabahador na sumailalim sa rapid diagnosis test (RDT) bilang bahagi ng “Return To Work Protocol” na iginawad ng mga tauhan ng San Jose Rural Health Unit na kung saan ang nasabing apat na manggagawa ay inilagay sa isolation facility ng nasabing bayan bilang pagsunod sa pinapatupad na kautusan.

Masaya naman ang Local Government Unit (LGU) ng San Jose at ang San Jose Rural Health Unit sa natanggap na resulta ng apat na workers at ipinaabot sa lahat ang pasasalamat sa kanilang patuloy na pagdarasal para sa kaligtasan ng bawat isa.

Lagi ring ipinaalaala ng LGU - San Jose at ng San Jose Rural Health Unit na sumunod sa pinapatupad na health protocol, katulad ng palaging pagsusuot ng facemask tuwing lalabas ng bahay, iwasan na makihalubilo sa maraming tao, panatilihin ang isang metro o higit pa ang layo sa katabing tao, palaging maghugas ng kamay, magpunas ng alcohol, at ementina ang malusog na pangangatawan. (Tony Macalisang/ Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.