• Tony Miñano Macalisang

“Ayaw kong makakita ng kapulisan na nang-aabuso ng sibilyan” – PD Abecia


ODIONGAN, Romblon – Sa mensahe na ipinaabot kamakailan ng bagong hirang na Provincial Director ng Romblon Provincial Police Office (RPPO) na si PCOL Christopher M. Abecia na hindi umano niya gustong makita ang kanyang mga tauhan na nangsasamantala o nang-aabuso ng mga sibilyan na siyang una niyang direktiba sa mga kapulisan ng Romblon PNP.

“No abuse of our police personnel, ayaw na ayaw ko na makakita ng mga kapulisan na nag-aabuso ng mga sibilyan,” ayon kay PD Abecia.

Aniya pa, kanyang pinagsabihan umano ang kanyang mga tauhan na magkaroon ng desiplina sa sarili para makadesiplina ng ibang tao.

“Lahat ng personnel namin ay sinabihan ko, na magkaroon ng self-discipline, una mong desiplinahin ang sarili mo upang makapagdesiplina ka ng ibang tao,” ayon pa kay PD Abecia.

Sa ganito umanong paraan magagantihan ang kabutihan na ipinapakita ng mga opisyal at sibilyan sa mga kapulisan.

Maalaala na may ilang miyembro ng kapulisan sa lalawigan ng Romblon na nahaharap sa mga reklamo mula sa mga sibilyan.

Si PD Abecia ay itinalagang kapalit ni PCOL Arvin T. Molina na dating Provincial Director ng Romblon PPO noong Hulyo 17, 2020 na ginanap sa Hinirang Hall, Camp Efigenio C. Navarro, Calapan City, Oriental Mindoro. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.