• Romblon Sun

Babaeng may warrant of arrest sa Romblon nahuli sa Manila


MANILA – Arestado ang isang babae na may mandamyento de aresto nitong Abril 28, 2021 sa kanyang tinutuluyan sa No. 10 Retelco Drive, Barangay Bagong Ilog, Pasig City.


Kinilala ang hinuli na si Lanie Mangao Gatarin, 49, may-asawa, walang trabaho, at residente ng San Agustin, Romblon at kasalukuyang nakatira sa No. 10 Retelco Drive, Barangay Bagong Ilog, Pasig City.


Si Gatarin ay inaresto ng pinagsanib na operatiba ng District Special Operation Unit ng Southern Police District (Lead Unit) at ng San Agustin Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Ramiro R. Geronimo, Executive Judge RTC Branch 81, Romblon, Romblon noong Setyembre 1, 2016 sa kasong Estafa sa ilalim ng Criminal Case No. 3649 at may rekomendang piyansa na halagang Forty Thousand Pesos (P40,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang nasabing dinakip na babae ay nasa kustodiya ng District Special Operation Unit ng Southern Police District para sa dokumentasyon at ihaharap sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)

ADVERTISE WITH US!.png