• Tony Miñano Macalisang

Babaeng Senior Citizen Na Idineklarang DOA Sa RDH Positibo Sa COVID-19


ROMBLON, Romblon – Nagpositibo sa COVID-19 ang isang senior citizen na hindi umabot ng buhay ng dalhin sa Romblon District Hospital, sa Romblon, Romblon noong Enero 5, 2021.


Base sa Rural Health Unit (RHU) ng Romblon, kasama sa dumating na positibo ang resulta ng RT PCR test nitong Enero 12, 2021 ay sa namayapang 76 taong gulang na babae na taga Barangay 4, Romblon, Romblon.


Sa dalawang nadagdag na panibagong kaso na nagpositibo sa COVID-19 sa kabesira, ang isa dito ay close contact ng pasyenteng dinala sa Romblon Provincial Hospital sa bayan ng Odiongan na isang 23 taong gulang na lalaki at residente ng Barangay Capaclan, Romblon, Romblon.


Ang nasabing nagpositibo ay naka quarantine na simula noong sila ay kunan ng sample para sa RT PCR test.


Patuloy naman ang pagsasagawa ng contact tracing ng kinaukulan sa mga naging close contact o nakasalamuha ng dalawang bagong pasyente.


Sa kasalukuyan ay mayroong walong aktibong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Romblon, pito (7) dito ay taga Romblon, Romblon at ang isa ay sa bayan ng Cajidiocan, Romblon. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.