• Tony Miñano Macalisang

Babaeng Senior citizen sa Odiongan na may warrant of arrest, dinakip ng kapulisan


ODIONGAN, Romblon –Isang babaeng senior citizen na may mandamyento de aresto ang hinuli ng pulisya nitong hapon ng Oktubre 22, 2020 sa Barangay Pato-o, Odiongan, Romblon.


Kinilala ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS) ang inaresto na si Maria Falcunit Montoya, 62 taong gulang, may-asawa, walang trabaho at residente ng Barangay Pato-o, Odiongan, Romblon.


Si Montoya ay dinakip ng pinagsanib na tauhan ng Odiongan MPS, PIU Romblon PPO sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Judge Donna Lee Dunuan Gobway, Executive Judge, Municipal Circuit Trial Court Branch 005, Odiongan – Ferrol, Odiongan, Romblon dahil sa kasong Grave Coercion sa ilalim ng Criminal Case No. OD-7392 at may rekomendang piyansa na halagang Tenty Eight Thousand Pesos (P28,000.00).


Ayon pa sa ulat, isinailalim sa kustodya ng Odiongan MPS ang nasabing senior citizen para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.