• Tony Miñano Macalisang

Bahay sa San Agustin, Romblon, sinunog, mga suspek tumakas


SAN AGUSTIN, Romblon – Isang bahay ang tinupok ng apoy matapos na silaban ng mga lalaking suspek kahapon ng 9:50 ng gabi, Pebrero 23, 2021 sa Barangay Doṅa Juana, San Agustin, Romblon.


Kinilala ang may-ari ng bahay na si Rominie Gallos Manalon, 27, walang asawa, magsasaka habang ang itinuturong mga suspek ay napag-alaman na sina Rolly Gallos Montesa, nasa hustong gulang, may kinakasama, magsasaka at Jay-R Manalon Buhala, nasa hustong gulang, may kinakasama, magsasaka at pawang mga residente ng Barangay Doṅa Juana, San Agustin, Romblon.


Sa ulat ng San Agustin Municipal Police Station at sa koordinasyon ng BFP-San Agustin, Romblon, napag-alaman na sinunog ng mga suspek ang bahay ng biktima gamit ang ginawang sulo na pinulupot na dahon ng niyog at tumakas papunta sa bahaging direksyon ng bundok ng naturang barangay.


Pinagtulungan namang apulahin ng mga nagresponding mga tauhan ng BFP-San Agustin at ng San Agustin MPS ang nasusunog na bahay ng biktima na dineklarang fireout dakong 10:15 ng gabi.


Ayon sa BFP – San Agustin wala umanong napaulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente na tinatayang nasa Labing Dalawang Libong Piso (P12,000.00) ang halaga ng natupok na bahay at ari-arian.


Nagsagawa naman ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng San Agustin MPS para mahuli ang mga suspek. (Tony Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.