• Tony Miñano Macalisang

Barangay Chairman sa Magdiwang, Romblon sinuspinde ng Ombudsman ng anim na buwan


MAGDIWANG, Romblon - Pinatawan ng anim (6) na buwang suspension na walang sahod ng Office of the Ombudsman ang Punong Barangay ng Barangay Dulangan, Magdiwang, Romblon na si Joven R. Rodeo simula nitong nakalipas na Disyembre 4, 2020.

Nadismis naman ang isinampang kaso na Dishonesty and Grave Misconduct laban kay Barangay Chairman Rodeo dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya.


Lumabas ang desisyon ng Office of the Ombudsman noong Enero 7, 2020 na nilagdaan ni Samuel R. Martires ng Ombudsman.


Nakasaad sa Order of Implementations ng Ombudsman… “this Office finds JOVEN REGALA RODEO GUILTY of two (2) counts of Simple Misconduct and is hereby meted the penalty of Suspension from Office for six (6) months without pay, pursuant to Section 50 (D)(2), in relation to Section 55 of the 2017 Rules on |Administrative Cases in the Civil Service, and Section 10, Rule III of Administrative Order No. 07, as amended by Administrative Order No. 17 and Section 25 of R.A. No. 6770.


… the complaint for Dishonesty and Grave Misconduct against respondent JOVEN REGALA RODEO is DISMISSED for lack of substantial evidence.


Si Barangay Chairman Rodeo ay sinampahan ng reklamo sa Office of the Ombudsman ni Barangay Kagawad Jenepher R. Marin ng kasong Dishonesty and Grave Misconduct sa ilalim ng OMB-L-A-18-0372 noong Hunyo 26, 2018 kaugnay sa pagbili ng computer set at laptop na pinalitan o niretoki umano ang presyo na nakalagay sa resibo, pagbili ng mga lamesa at mga upuan na walang isinagawang bidding, at iba’t-ibang suplay at kagamitan gamit ang 10% na pondo ng Sangguniang Kabataan (SK) na walang pahintulot mula sa Task Force on Youth Development at iba pang iregularidad.


Ayon sa Ombudsman, .. “This Office thus finds respondent liable for misconduct, which is defined as “a transgression of established and definite rule of action, more particularly, unlawful behavior or gross negligence by a public officer.”… “Considering respondent’s lack of malice in failing to comply with existing law, rules and regulations, this Office finds that the misconduct can only be characterized as simple.”


“...Considering, however, that the element of corruption, clear intent to violate the law or flagrant disregard of established rules - circumstances which qualify the misconduct as grave - were not adequately proven, this Office finds respondent guilty only of Simple Misconduct for said infraction.”

(Romblon Sun News Team)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.