• Tony Miñano Macalisang

Barangay Tanod na nagmamando ng trapiko sa San Agustin, Romblon sinagasaan ng motorista


SAN AGUSTIN, Romblon – Nahaharap sa kaukulang kaso ang isang lalaking motorista matapos nitong mabundol ang Barangay Tanod na nagmamando ng trapiko sa Barangay Cabolutan, San Agustin, Romblon dakong 10:45 ng umaga ng Enero 11, 2021.


Kinilala ang biktima na si Bernie Ignacio Fruelda, 60 taong gulang, may-asawa, Barangay Tanod at residente ng Barangay Cabolutan, San Agustin, Romblon, habang ang itinuturong suspek ay nakilala na si Christopher Largueza, Gaan, 24 taong gulang, may kinakasama, manggagawa, at nakatira sa sa Barangay Concepcion Sur, Santa Maria, Romblon.


Sa ginawang imbestigasyon ng San Agustin Municipal Police Station (SAMPS), habang nag-iimplementa umano ng Municipal Ordinance (Traffic Code) ang biktima sa nasabing oras at lugar ay pinapahinto nito ang suspek ilang metro ang layo mula sa kanya, ngunit sa halip na sumunod ang suspek ay mas binilisan nito ang pagpatakbo ng sinasakyang motorsiklo kung saan ay nasagi nito ang biktima na nagtamo ng sugat at galos sa iba’t-ibang parte ng katawan.


Inaresto naman ang suspek ng mga Barangay Tanod ng Barangay Cabolutan at isinuko sa mga tauhan ng San Agustin MPS kasama ang kulay pula na motorsikong RUSI 110 na walang nakakabit na plaka.


Ang naturang suspek ay nasa kustodiya ng San Agustin MPS at inihahanda ang kasong Reckless Imprudence Resulting to Physical Injuries at Direct Assault na isasampa sa Provincial Prosecutor’s Office laban sa nasabing suspek. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.