• Romblon Sun

Bayan ng Romblon may panibagong kaso ng COVID-19


ROMBLON, Romblon – Isang panibagong kaso na nagpositibo sa COVID-19 ang naitala ngayong araw, Nobyembre 14, 2020 sa bayan ng Romblon, Romblon.


Sa ulat ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) Romblon naitala na isang lokal transmission ang nangyari sa bagong pasyente na maaring nakuha sa isang nagpositibong pasyente sa naturang bayan.


Sa kasalukuyan ay dalawa na ang positibo sa COVID-19 sa kabesira ng Romblon na parehong nakaconfine at naka isolate sa Romblon District Hospital (RDH).


Sa datos ng PESU ngayong araw, Nobyembre 14, 2020 nasa 38 na ang kabuuang bilang o total na kaso na nagpositibo sa COVID-19 sa lalawigan ng Romblon. Nasa 34 dito ang nakarekober na, isa ang namatay, tatlo ang kasalukuyang aktibo, dalawa sa kabesira at isa sa Odiongan.


Panawagan ng kinaukulan na sundin ang ipinapatupad na Health Standard protocols, laging magsuot ng face mask at face shield, maghugas ng kamay at ipatupad ang social distancing. Manatili sa bahay kung walang importanteng gagawin sa labas ng bahay. Mag-ingat hindi lamang para sa iyong sarili, at pamilya kundi para rin sa iyong kapwa. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.