• Tony Miñano Macalisang

Bayan ng Romblon nagtala ng limang bagong kaso ng nagpositibo sa COVID-19 ngayong araw.


ROMBLON, Romblon – Lima na panibagong kaso ng nagpositibo sa COVID-19 ang inulat ng Romblon RHU sa kanilang COVID-19 Update ngayong araw, Disyembre 7, 2020.


Ayon sa RHU Romblon, dalawa sa limang nagpositibo ay frontliner sa Romblon District Hospital (RDH) na puro babae na ang edad ay 25 at 32 taong gulang, at tatlong taga Barangay 3, na kinabibilangan ng isang lalaki na 57 taong gulang, at dalawang babae na edad ay 24 taong gulang at 66 taong gulang na namatay noong nakaraang linggo.


Ang apat na bagong kaso ng positibo sa COVID-19 ay nailagay na sa isolation facility.


Samantala nasa pito naman ang nagnegatibo sa RT PCR Test na mga close contact na ibinaba kaninang umaga at sila ay pinayagang nang makauwi sa kanilang mga tahanan.


Ayon pa sa RHU Romblon, ang mga nakarekober ngayong araw ay nasa sampu (10) katao at walo (8) dito ay mga frontliners.


Patuloy pa rin ang pagpapaalaala ng pamunuan ng Romblon LGU na sumunod sa ipinapatupad na Minimum Health Standard protocol kagaya ng pagsusuot ng face mask at face shield, laging maghugas ng kamay at panatilihin ang social distancing na isang metro ang agwat mula sa katabi. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.