• Tony Miñano Macalisang

Binata na may kaso sa paggamit ng ilegal na droga sa Tabuk, Kalinga arestado sa Looc, Romblon


LOOC, Romblon – Dinakma ng mga tauhan ng Looc Municipal Police Station ang isang motorboat crew kaninang 1:30 ng hapon, Oktubre 27, 2020 sa Sitio Kawit, Barangay Camandag, Looc, Romblon.


Ang inarestong suspek ay kinilala ng pulisya na si Nolido Magdali Galicha, 23 taong gulang, binata, motorboat crew at residente ng Sitio Kawit, Barangay Camandag, Looc, Romblon.


Ang naturang suspek ay dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Jerson E. Angog, Presiding Judge of Regional Trial Court, Branch 25, Bulanao, Tabuk, Kalinga sa kasong paglabag sa Section 15 Article 2 of R.A. 9165 o kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na may petsa na Enero 17, 2020 na nakatala sa ilalim ng Criminal Case No. 41-2019 at may rekomendang piyansa na halagang P5,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang inarestong binata ay isinailalim sa kustodiya ng Looc MPS para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.