• Romblon Sun

Binata na may Warrant of Arrest dinakip ng pulisya sa Santa Fe, Romblon


GUINTIGBASAN, Santa Fe, Romblon - Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki na may mandamyento de aresto nitong 1:30 ng hapon ng Pebrero 16, 2021 sa Barangay Guintigbasan, Santa Fe, Romblon.


Kinilala ng pulisya ang inarestong suspek na si Melic Galit Dela Cruz, 31, walang asawa, mangingisda at residente ng Barangay Guintigbasan, Santa Fe, Romblon.


Ang nasabing suspek ay hinuli ng pinagsanib na operatiba ng Santa Fe Municipal Police Station, PIU Romblon PPO, Romblon Provincial Mobile Force Company at CIDG Romblon sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Executive Judge Edwin B. Buffe, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 82, Odiongan, Romblon na nilagdaan nitong Pebrero 11, 2021 dahil sa kasong paglabag sa Sec 5 (b) ng Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) sa ilalim ng Criminal Case Number OD-3056 at may rekomendang piyansa ang Korte na halagang Two Hundred Thousand Pesos (P200.000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang nasabing lalaking suspek ay isinailalim sa kustodiya ng Santa Fe MPS para sa kaukulang dokumentasyon at ihaharap sa nakasasakop na korte. (Romblon Sun Online)


 
 
 
 


ADVERTISE WITH US!.png