• Tony Miñano Macalisang

Binata sa Odiongan natagpuang nakabitin gamit ang electrical wire


ODIONGAN, Romblon – Natagpuang nakabitin at walang buhay ang isang binata nitong 11:00 ng umaga ng Oktubre 24, 2020 sa Sitio Maghali, Barangay Tuburan, Odiongan, Romblon.


Ayon sa ulat ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS), ipinagbigay alam umano ni Versabi Panoy Fornal, Hepe ng MDRRMO ng Odiongan, sa kanilang estasyon ang nasabing pangyayari kung saan ay nadiskubre umano ni Dante Fornal, ninong ng biktima ang nakabitin na katawan ng lalaki sa kisame ng kusina ng kanilang bahay gamit ang electrical wire na nakapulupot sa leeg ng biktima.


Ang biktima ay tinatayang nasa 30 taong gulang, binata, saleman, at residente ng Sitio Maghali, Barangay Tuburan, Odiongan, Romblon.


Napag-alaman na bago nangyari ang nasabing insidente, napansin umano ng tatay ng biktima na lagi itong balisa, na pagkatapos mag-almusal ay lumalabas umano ng bahay na wala naman silang makitang dahilan.


Anila pa, nakakaranas umano ng matinding depression ang biktima at dati na itong nagtangkang magpakamatay ngunit naaagapan namang mailigtas ng kanyang ina.


Nagpaabot na rin ng kahilingan ang Odiongan MPS sa Rural Health Unit ng Odiongan para isailalim sa awtopsiya ang naturang biktima. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.