• Tony Miñano Macalisang

BINATA WALA NANG BUHAY NG MATAGPUANG NAKABITIN SA PUNO NG MANGGA SA ALCANTARA


ALCANTARA, Romblon – Isang lalaki ang natagpuang nakabitin sa puno ng mangga at wala nang buhay kahapon ng 7:00 ng umaga sa Barangay Bagsik, Alcantara, Romblon.


Kinilala ang biktima na si Alvin Moran Cano, 41 taong gulang, binata, construction worker at residente ng Barangay Bagsik, Alcantara, Romblon.


Ayon sa pulisya ng Alcantara Municipal Police Station (AMPS), personal umanong ipinagbigay alam ni Ginoong Fernando Requiza Arota, sa himpilan ng Alcantra MPS ang nasabing pangyayari kung saan ay nakita umano ang biktima na nakabitin sa puno ng mangga malapit sa Barangay Hall ng Barangay Bagsik at may nakapulupot na tali sa kanyang leeg.


Sa imbestigasyon ng Alcantara MPS, napag-alaman na ang biktima ay nakatira sa bahay ng kanyang kapatid at huli itong nakita noong 9:00 ng gabi ng Nobyembre 1, 2020.


Ayon sa pamilya ng biktima, may problema umano ang biktima tungkol sa kanyang trabaho at nagreklamo ito na halos isang linggo nang hindi makakain at makatulog dahil sa dinadalang problema.

Pinapalagay na ito ang maaring nag-udyok sa biktima para wakasan na ang sariling buhay.


Pagkatapos na masuri ng mga tauhan ng Alcantara MPS ang naturang lugar ay nakipag-ugnayan ang mga ito sa Rural Health Unit (RHU) ng Alcantara para sa masusing eksaminasyon ng labi ng biktima. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.