• Tony Miñano Macalisang

Binatang PWD sa Romblon natagpuang nakabitin sa kuwarto ng kanilang bahay


ROMBLON, Romblon – Isang binata na bulag mula sa pagkasilang ang nagpakamatay nitong hapon ng Nobyembre 30, 2020 sa Barangay Tambac, Romblon, Romblon.


Kinilala ang biktima na si Adonis Dela Cruz Relox, 33 taong gulang, binata, walang trabaho at isang PWD- bulag (inborn) at residente ng Barangay Tambac, Romblon, Romblon.


Sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station, natagpuan na lamang umano ng kapatid ng biktima si Rosbert Dela Cruz Relox ang nakabitin na katawan ng kapatid sa kisame sa loob ng kuwarto ng kanilang bahay na may nakapulupot na tali sa kanyang leeg at wala ng buhay.


Napag-alaman na bago ang nasabing insidente napansin umano ng kanilang kapitbahay na si Marcial Moran at maging ng mga barangay opisyal ng nasabing barangay na “depressed”, balisa at malungkot ang biktima nitong nakalipas na mga araw.


Naniniwala ang kapatid at iba pang kamag-anak ng biktima na kinitil ng biktima ang kanyang sariling buhay dahil sa dinadanas nitong matinding kalungkutan.


Ang labi ng biktima ay kasalukuyang nakaburol sa kanilang tahanan sa Barangay Tambac, Rombon, Romblon. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.