• Tony Miñano Macalisang

Boat Captain na may Warrant of Arrest sa Romblon, timbog sa pulisya


ROMBLON, Romblon – Isang senior citizen na Boat Captain ang inaresto ng pulisya kahapon, Oktubre 14, 2020 sa kanyang tirahan sa Barangay III-Poblacion, Romblon, Romblon.


Kinilala ng Romblon Municipal Police Station (RMPS) ang dinakip na si Jaime Molina Macaya aka James Macaya, 63 taong gulang, balo, Boat Captain.


Si Macaya ay hinuli ng pinagsanib na tauhan ng Romblon Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Maria Cristita A, Rivas-Santos, Presiding Judge, Municipal Trial Court, Fourth Judicial Region, Romblon, Romblon na may petsang Oktubre 13, 2020 sa kasong Serious Physical Injuries, Article 263, Par 3 of the Revised Penal Code of the Philippines sa ilalim ng Criminal Case No. 4658 at may rekomendang piyansa na halagang Seventeen Thousand Pesos (P17,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang nasabing suspek ay isinailalim sa kustodiya ng Romblon MPS at ihaharap sa nakasasakop ng korte para sa kaukulang disposisyon. (Tony Miῆano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.