• Tony Miñano Macalisang

BODEGA NG MOTORSIKLO AT APPLIANCES SA ODIONGAN NASUNOG


ODIONGAN, Romblon – Nilamon ng apoy ang bodega na kinalalagyan ng mga motorsiklo, spareparts at iba’t-ibang appliances kaninang pasado alas dos ng hapon, Hulyo 4, 2020, sa Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon.


Kinilala ang may-ari ng bodega na si Oliver C. Lim na namamahala sa kompanyang KW Trading na nagbebenta ng mga motorsiklo, appliances at mga spareparts sa kanilang puwesto sa Barangay Ligaya, Odiongan, Romblon.


Pinapalagay na faulty electrical wiring ang dahilan ng sunog na pinagtulungan apulain ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) – Odiongan at ng private sectors na kung saan ay dineklara itong fireout pagkatapos ng humigit kumulang sa isang oras.


Hindi pa tiyak ang halaga ng natupok na mga ari-arian. Wala namang naulat na nasaktan sa nasabing pangyayari. (Tony M. Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.